BUHAY OFW: PAANO HINDI MASASAYANG?
By Arlan B. Laroya
By Arlan B. Laroya
Ako po ay anak ng isang dating OFW, isang seaman ang papa ko sa loob ng mahigit tatlumpong taon. Kaya kahit paano ay alam ko ang buhay ng isang pamilya ng OFW. Masasabi ko na hindi naging madali sa amin ang aming pinagdaanan, pero kahit ganon, hindi na rin namin iyon napapansin dahil malaki naman ang sweldo ng papa ko. Halos lahat ng mga kamag-anak namin noon sa amin umaasa. Madaling lapitan ang aking mga magulang kasi likas naman din silang matulungin. Nabibili rin namin ang mga gusto namin. Natatandaan ko pa noon ilan lang kami na may colored tv at refrigerator sa lugar namin. Tapos ‘pag sumulat ako sa papa ko para sa mga bilin ko, halos lahat napagbibigyan. Kaya lang pansin ko, sa tuwing nagbabakasyon ang papa ko naghihirap kami. Kaya pala ganon, wala pala s’yang sweldo ‘pag wala s’ya sa barko, kaya lahat ng naipon n’ya bago siya umuwi, gaano man ito kalaki ay unti-unti ring nauubos, buti na lang minsan bago talaga masaid ay nakakakuha ulit ng bagong sakay.
‘Pag aking babalikan ang mga panahon na ‘yon, naisip ko malaki rin pala ang perang dumaan sa mga kamay namin, na kung nai-invest namin ng tama, dapat pala mayaman na rin kami. Sana pala kahit ngayon na hindi na nag-a-abroad ang papa ko may pera pa rin s’ya. Hindi na niya kailangang umasa sa mga taong minsan din niyang natulungan. Ito ang aral na natutunan ko sa aking naging karanasan bilang anak ng isang OFW at konting payo baka makatulong.
Dapat isipin ng isang OFW at ng kanyang pamilya, na ang pagiging OFW ay pansamantala lang. Maraming dahilan para mahinto ang pagtatrabaho n’ya sa abroad ng wala sa plano. Ilan sa mga ‘yan ay ang biglang pagkakasakit, biglang pagkatanggal sa trabaho dahil nasulot o napag-initan, nalugi ang kumpanya, at marami pang iba. Dapat mag-aral ng maigi ang mga pinag-aaral habang may pera pa ang nagpapa-aral kasi hindi na maibabalik ang panahon ‘pag lumipas na ito. Kung may alam kayong negosyo, simulan na ninyo ito habang kumikita pa kayo sa pag-a-abroad, hindi ‘yong kung kailan wala na kayong pera o paubos na ‘yong pera n’yo saka pa lang kayo mag-iisip kung ano ang pwedeng pagkakitaan. Kung tutulong man sa kamag-anak siguruhing hindi sila tinuturuang maging tamad at umaasa na lang sa bigay. ‘Wag din tingnan ang sarili na ikaw ang katugunan sa lahat nang kanilang pangangailangan. At hindi sapat ang basta lang magtipid, dapat ini-invest talaga ng tama ang pera para lumago.
Likas na siguro sa ating mga Pilipino, na kung sino ang nasa abroad siya ang sagot sa halos lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng bigat ng pasanin ng pamilya. Pag-aaral ng mga anak, kapatid, pamangkin, minsan kahit malayong kamag-anak. Pag may emergency siya kaagad ang tatawagan. Madalas utangan ng wala nang bayaran. ‘Pag may kinasal sa pamilya siya rin ang dapat sumagot ng gastos. ‘Pag may namatay kailangan niyang magpadala agad ng pera. ‘Pag may renovation o paayos sa bahay dapat magpadala din siya ng pera. Kaya dapat manatili siyang malakas kumita dahil kung hindi kawawa ang kanyang pamilya na naiwan sa Pilipinas. Kaya marami sa mga OFW ay napapahamak dahil, sinusuong nila kahit ang alam nila na mapanganib na sitwasyon, basta lang matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Marami sa kanila ay hindi makauwi-uwi dahil hindi pa tapos ang bayarin ng pamilya.
Ito ang dahilan kung bakit malakas ang loob kong ialok ang programa ng SUDIF sa mga mahal nating OFW na gustong makatulong sa kanilang mga mahal sa buhay habang nasa abroad pa sila at gustong magkaroon ng magandang kabuhayan pagkatapos nilang magtrabaho sa abroad. Alam ko na para sa isang OFW ang P2,520.00 bawat buwan sa loob ng 12 buwan (o kabuuang P30,240.00 sa isang taon) ay maliit na halaga lamang kung tutuusin. Lalo pa’t kung ang kapalit naman nito ay ang makatulong sa mga mahal sa buhay, Ang SUDIF o Shema Foundation ay may nakalaang malaking tulong para sa mga Pilipino na maniniwala sa kanilang programa na handang gawin ang pamamaraan ng Shema para siya ay makapasa sa pamantayan na itinatakda nito. Kapag ang individwal na ito ay nakapasa na, siya ay tatanggap ng buwanang pensyon na hindi bababa sa P14,400.00 bawat buwan, food supplements at bahay at lupa.
Marahil ilan sa inyo na bumabasa nito ay hindi na maituturing na OFW, kasi kayo ay nag-migrate na sa USA, Canada, London, Australia o New Zealand. Pwede ninyong sabihing settled at stable na kayo kaya hindi n’yo na kailangan ang mag-invest pa. Ang masasabi ko lang ay mas lalo kayong dapat mag-invest dito, dahil hindi ninyo makakayang tulungan lahat ng mga kamag-anakan ninyo na umaasa sa inyo kung padadalhan lang ninyo sila ng pera buwan-buwan o sa tuwing mangangailangan sila. Mas maganda siguro kung bigyan ninyo sila ng puhunan para makapag-invest sila sa Shema para paglipas ng isang taon ay may pension na rin sila, kaya hindi na sila aasa sa iyo, bagkos ay pwede mo nang makatuwang sa pagtulong sa iba ninyong kamag-anak. Kaya imbes na lagi n’yo lang silang padalhan ng pera, maglaan na rin kayo ng pambayad sa Shema sa halagang P2,520.00 bawat buwan at pagkatapos ng isang taong pagbili ng kanilang produkto puro pagpapala na. ‘Wag na kayong magdalawang isip dahil ‘yong mga naunang nakinig, naniwala at ginawa ang paraan ngayon ay tumatanggap ng ng mga biyayang nabanggit ko.